top of page
Search

Mga rason kung bakit nagbabagal o nawawala ang inyong fiber internet connection

Madami ang rason kung bakit nagbabagal o nawawalan ang fiber internet connection. Ang kawalan nito ay nagiging sakit ng ulo at perwisyo sa araw araw na gawain sa trabaho o sa bahay. Pero kung naiintindihan natin ito ay malalaman natin kung bakit importante na dapat nirereport agad ito sa mga kaukulang hotline, social media or website ng inyong Internet Service Provider.


  1. Fiber Optic Cable Cut - Ang problema na ganito ay pangkaraniwan sa pagkakaroon ng fiber optic internet. Ang fiber optic wire na kinakabit sa bahay ng subscriber ay maselan at pwede po itong masira dahil sa malakas na hangin, kinakagat ng hayop, nahulog na sanga ng kahoy, dumadaang sasakyan atbp. Ito ay limitasyon ng teknolohiya ng fiber optic cables.

  2. Bad Fiber Connectors - Ang fiber wires ay merong mga kabitan sa mga dulo nito. Ang mga kabitan na ito ay pwedeng masira po yan dahil nasusunog po ito ng mismong ilaw na dumadaloy sa fiber optic cables. Pwede din po itong masira dahil contaminated ng mga microscopic na dumi ang mga dulo nito.

  3. Fiber Wire Mis-alignment - Ang fiber wire ay dapat meron itong Line-of -sight o dapat tuwid siya at hindi masyadong baluktot at nakalaylay sa lupa.

  4. Network hardware problems - Ang ganitong problema ay nangyayari dahil sa sobrang kumplikado ng pagmaintain ng mga milyong milyong connectors na dapat tinitingnan ng mga engineers ng mga telco. Dagdag pa diyan ang mga dumdating na mga technical problems ng pagkasira ng mga network equipment nanakalagay sa bahay ng subscriber, sa mga poste sa kalsada at sa mga fiber hut stations kung saan pumupunta ang lahat ng connections ng mga subscribers.

  5. Network software and settings problems - Ang mga fiber equipment ay meron po yang software o firmware na ginagamit upang macontrol ang operasyon ng mga equipment. nagkakaproblema din po ito kung merong mga human errors, software compatibility issues, wrong settings, atbp.

Ang pagsasaayos sa mga problemang ito ay pangkaraniwang hindi simpleng bagay lamang. Ang pagsasayos nito ay kinakailangan pa ng mga dalubhasang network engineers, fiber optic technicians at mga IT Experts para lamang magawa ng maayos ang repair nito. Magkakaiba ang hirap ng pagasagawa ng repair depende sa kung anuman ang sira nito. merong sira na pwedeng naayos lamang ng mga hotline technician. May possibleng sira na kailanganin pa bisitahin ng mga field technicians at engineers ang bahay ng subscriber. At iba-iba din ang tagal nito sa pagsasaayos ng mga problema na ito dahil sa madaming rason kagaya ng kakulangan sa equipment, kakulangan ng availability ng mga trained fiber technicians, layo ng bahay ng subscriber sa opisina ng techncians, weather, atbp.


Ilan Ilan lamang ito sa mga problema na hinaharap ng pagkakaroon ng fiber internet connection. Hindi din ganun kadami ang fiber optic technicians sa bansa natin kaya mabagal ang pagsasagawa ng pagsasaayos ng internet. Kaya importante na kung nawala na ito o may problema sa bilis ng internet connection ay nirereport agad sa kaukulang hotline, social media or website ng telco.

NETWORK ENGINEER / IT EXPERT

Specialized Fiber repair toolkit


Fiber Optic Field Technicians

Specialized Main Fiber Line Toolkit

Fiber Submarine cables


 
 
 

Recent Posts

See All
PLDT LIST OF VALID ID

LIST OF VALID GOVERNMENT ID Please Present 1(ONE) PRIMARY ID OR 2(two) SECONDARY IDs Primary ID 👉ACR with Permanent Status 👉Armed...

 
 
 

Commentaires


bottom of page